KWEBANG LAMPAS SA BAYAN NG PAGBILAO, QUEZON PANSAMANTALANG ISINARA MATAPOS MABIGONG MAGSUMITE NG MGA KAUKULANG DOKUMENTO

Matapos mabigong magsumite ng mga kaukulang dokumento at permit ang pamunuan ng kwebang lampas hinggil sa kanilang operasyon bilang isang resort ay pansamantalang itong isinara sa publiko ng lokal ng pamahalaan ng bayan ng Pagbilao, Quezon.

Sa direktiba ni Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic, ipinadala ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao si Business Permit and Licensing Officer Rolando Glorioso, mga pulis, at ilang kawani sa Kwebang Lampas noong Hunyo 30, 2017 upang ihain ang sulat ukol sa pansamantalang pagpapasara ng nasabing lugar at maglagay ng babala roon.

Matatandaang binigyan ng dalawang linggong palugid ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao ang pamunuan ng kwebang lampas para sa isumite o mag apply ng business at mayor’s permit subalit nabigo nilang itong gawin.

Nag-ugat ang pagsasara ng kwebang lampas na isa sa tourist destination sa lalawigan ng Quezon, mula sa isang facebook post na nag-viral sa mga social media kung saan tinaguriang worst beach ever ang kwebang lampas dahil umano sa naranasan ng isang turista na hindi magandang trato ng pamunuan ng kwebang lampas sa kanila.