Laguna Governor Ramil Hernandez kinilala ng mga Day Care workers sa lalawigan

Dumalo sa kauna-unahang Regional Day Care Workers Convention si Laguna Governor Ramil Hernandez na ginanap Sentrong Pangkultura sa bayan ng Sta. Cruz. Sa okasyon ay binigyan ng plake ng pagkilala ang gobernador dahil sa suportang ibinibigay nito sa mga Day Care Workers ng lalawigan. Sa okasyon ding ito ay ipinamahagi rin ng lokal na pamahalaang panlalawigan ang halos dalawang milyong pisong halaga na allowance ng lahat ng day care workers. Pinasalamanatan naman ng mga manggagawa sa sektor ang kanilang punong lalawigan sa pamamahagi ng allowances at paghahatid ng ilang regalo para sa programa ng regional convention.

Sa pahayag naman ng opisina ni Gov. Ramil Hernandez ay sinabi ng mga ito na ang mga Day Care Workers ay kasama ng pamahalaan sa pagpapatupad ng programang pangkalusugan at mga programa para sa mga kabataan. Marapat lamang anila na bigyan din ang mga ito ng suporta na makakatulong naman sa kanilang mga pamilya.