I Love My Pastor tema ng 10th Pastor Summit ng Korean Mission Team to the Promised Land

Nagasagawa ng summit ang mga grupo ng pastor mula sa Lalawigan ng Laguna sa Pangunguna ng JLM o Laguna for Jesus Movement. Isinagawa sa Sentrong Pangkultura sa bayan ng Sta. Cruz ang ika-sampung Pastor Summit ng Korean Mission Team to the Promised Land katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna. May temang I Love My Pastor, mahigit 60 Korean Missionaries ang dumalo sa summit at mga miyembro ng Laguna for Jesus Movement. Binigyan din sa okasyon ng plake ng pagkilala ang mga Korean Missionaries bilang tanda ng pakikipag-kaibigan at suportang ipinapakita’t ibinibigay ng mga ito sa lalawigang ng Laguna.

Sa pahayag ni Laguna Governor Ramil Hernandez ay sinabi nitong suportado ng pamahalaang panlalawigan ang mga aktibidad ng grupo, Nagpasalamat din ang gobernador sa ibinibigay na panalangin ng mga pastor para sa lalawigan maging sa suportang ibinibigay ng mga ito sa programa ng pamahalaan.