LTO, NEDA at Pamahalaang Panglunsod ng Lucena nagpulong para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko

Ilang kinatawan ng Land Transportation Office at National Economic Development Authority ang nakipagpulong sa mga opisyales ng Pamahalaang Panlungsod upang mabigyan ng solusyon ang trapiko sa Lungsod ng Lucena. Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pakikipagugnayan sa iba’t-ibang nasyunal na ahensiya ng gobyerno at pagbuo ng mga plano na tutugon problema sa traffic. Pumunta sa lungsod ang mga representatives ng nasyunal na ahensya ng pamahalaan upang mapag-aralan ang usapin sa trapiko at nakipagpulong sa mga opisyales ng Pamahalaang Panlungsod.

Dumalo rin sa pagpupulong si Lucena City Mayor Dondon Alcala kasama ang ilang konsehal OIC City Administrator, City Legal Officer na si Atty. Shiela De Leon at si Engr. Nelson Singson mula sa City Planning and Development Office. Ibinahagi ng alkalde ang ginawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mabawasan ang traffic congestion sa mga lansangan ng lungsod. Isang paraan aniya upang makatulong sa problema sa trapiko ay ang paglalabas sa poblacion ng City Hall ng Lungsod ng Lucena. Nagpasalamat din ang alkalde sa tulong na ibinibigay ng NEDA at ng Land Transportation Office sa lungsod.

Noong isang taon ay bumisita na rin sa Lucena ang grupo mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) upang pag-aralan ang daloy ng trapiko at nagbigay ng mga suhestyon kung papaano ito masosolusyonanan.