Lucena City Mayor Dondon Alcala nanawagan sa kababayan tungkol sa garbage segregation

Nagpahayag ng pakikiusap si Lucena City Mayor Dondon Alcala sa lahat ng Lucenahin sa isang okasyong dinaluhan nito kamakailan. Hiningi ng alkalde ang tulong ng bawat isang mamamayan ng Lucena na maghiwa-hiwalay ng kanilang basurang nabubulok at di-nabubulok. Sinabi pa ni Alcala na kung maaari ay sa sariling tahanan na umpisahan ng bawat Lucenahin ang pagsasagawa ng segregation upang sa gayon ay agad na silang matuto lalo’t higit ang mga kabataan at ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya. Pagdating anya ng Setyembre ay uumpisahan na ang segregation ng basura sa lungsod. Sakaling hindi makapag-segregate ng kanilang mga basura ang mga ito ay maaring hindi na ikutan ng mga garbage truck.

Humingi din ng tuloy si Mayor Alcala sa bawat isa lalo sa mga driver ng anu mang uri ng mga sasakyan na sundin ang lahat ng batas trapiko na ipinaiiral sa lungsod. Panawagan pa ni Alcala, kinakailangan na magkaroon ang bawat Lucenahin ng disiplina upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa syudad.