Lucena PNP, bukas sa kritisismo – P/Supt Ariza

“We are open po sa criticism kung ano pa ang dapat iimprove,” ito ang naging pahayag ni P/Supt Reydante Ariza, hepe ng Lucena Pulis sa courtesy call nito sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena sa nakalipas na regular na sesyon.

Samantala, ipinaalala ni Konsehal Vic Paulo, may hawak ng komitiba ng peace and order ng lungsod sa bagong hepe na posibleng maglipana ang mga kriminal sa panahong ito.

“Hindi rin naman po naiiwasan ‘yong mga petty crimes lalo’t higit po ay alam naman natin na nalalapit na ang kapaskuhan. D’yan po dadami ‘yong tinatawag nating salisi, akyat-bahay, mandurukot, lahat po ng uri ng krimen ay ginagawa ng ating ibang kababayan,” pahayag ni Konsehal Paulo.

Ipinangako naman ng hepe na kanilang babantayan pero hiling sa publiko na makipagtulungan sa hanay ng awtoridad

Ayon pa sa hepe, upang kaagad na maaksyunan ibigay sa pulisya ang impormasyon kailangan daw nila ang tulong ng mamamayan.