Lucena West 1 Elementary School handa na pasukan

Nakahanda ang maraming paaralan sa buong bansa para sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa June 5. Dito sa Lungsod ng Lucena ay handang handa na rin ang mga paaralan at isa dito ang Lucena West 1 Elementary School. Kasado na para sa darating na Lunes ang mga pasilidad para sa pagpasok ng mga estudyante sa paaralan. Pagsasagawa naman ng Brigada Eskwela ang isa sa mga ginawang paghahanda ng paaralan upang magkaroon ng maayos na pasilidad ay silid aralan ang mga batang papasok sa eskwela.

Ang Lucena West 1 Elemetary School ang sinasabing pinaka-malaking paaralang elementarya sa Lungsod ng Lucena na may humigit kumulang apat na libong mag-aaral ngayong taon. Upang mapanatili ang kalinisan ng paaralan, bukod sa palagiang paglilinis ng apat na utility workers ay itinuturo din sa mga estudyante ang paglilinis sa kapaligiran at disiplina sa sarili na hindi magtapon ng basura kung saan saan.