Mababang singil sa kuryente posible sa pagkakaroon ng energy efficiency policy –Sen. Win Gatchalian

Sa ipinadalang official statement ni Sen. WIn Gatchalian sa Bandilyo TV ukol sa energy efficiency ng bansa ay sinabi rin nitong hindi lamang trilyong pisong halaga ang matitipid ng mga Pinoy kung magpapatupad ng polisiyang katulad ng sa ibang bansa ang Pilipinas. Ayon kay Gatchalian kung maipapareha ng bansa ang pagiging episyente nito sa sa enerhiya ng katulad sa bansang Germany pagdating ng taong 2030 ay magiging mababa ang singil sa mga karaniwang Pilipino at mga industriya sa bansa ng kuryenteng ginagamit nito. Sinabi pa ni Sen. Gatchalian na kung may polisya para sa energy effiency ang bansa ay magiging mababa rin ang pangangailangan nito sa foreign coal na ginagamit ng malaking bahagi ng mga plantang nagpo-produce ng kuryente. Mahigit anyang 290 million metric tons na imported coal ang matitipid sa loob ng labing dalawang taon lamang na tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa 390 million dollars ang matitipid taon taon.

Bagamat naniniwala si Gatchalian sa paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya katulad ng solar at wind energy ay sinabi rin nitong kailangan ding mag-focus ng pamahalaan sa episyenteng paggamit nito. Kailangan aniyang magpasa o maglagay ng isang Energy Efficiency anf Conservation policy framework upang masiguro sa mga susunod na panahon ang maayos at murang supply ng enerhiya sa buong Pilipinas.