Malao-A Calantas Elementary School sa Tayabas City, kinilala bilang best brigada eskwela implementer

Bilang bahagi pa rin ng ikatatlong gawad katig piging ng pasasalamat, tumaggap ng plake ng pagkilala ang Malao-A Calantas Elementary School sa Lungsod ng Tayabas bilang Best Brigada Eskwela Implementer ngayong taon.

Ayon kay Myrna Tabernilla, school head ng Malao-A Calantas Elementary School, malaking hamon sa kanila ang natanggap nilang plake dahil noong nakaraang taon daw ay sila rin ang tumaggap ng best brigada eskwela implementer kung kaya’t napipinto na silang maging hall of famer sa susunod na taon.

Sinabi rin ni Tabernilla na masayang masaya sila sa muling pagtanggap nila ng plake at nagpapasalamat daw ang buong komunidad ng Malao-A dahil sa walang sawang pagsuporta ng mga stakeholders sa kanilang paaralan.

Samantala, ayon naman kay Ma’am Alita, best brigade coordinator, nagapasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanila tulad na lamang ng rotary club at ng Order of the Eastern Star gayundin ang nagdonate ng lupa upang maipatayo ang Paaralang Elementarya ng Malao-A Calantas.