Mauban PNP, tututukan ang kampanya kontra illegal fishing

Nananatili umanong isa sa mga prayoridad ng Mauban PNP, Philippine Coastguard, at Maritime Security ang kampanya kontra sa illegal fishing sa mga karagatang kanilang nasasakupan.

Ayon kay SP03 Roderick Elardo, municipal executive senior police officer (MESPO) ng Mauban Municipal Police Station maayos ang kanilang karagatan sa lugar dahil may nakatalaga dawn a PNP Maritime at Coastguard na siyang nangangasiwa sa pagbabantay ng karagatan upang mapanatili itong malinis at maganda.

Ayon kay SP03 Elardo, maaari raw na mismong PNP maritime lang ang mag-operate ng pag-aresto sa mga gumagamit ng maling pamamaraan sa pangingisda.

Samantala, idinagdag pa ni Elardo na kapag mayroong nahuli ang maritime security, sa kanilang himpilan pa rin dinadala ang mga naaresto ng mga ito dahil kapag ikukulong daw ay icocommit sa kanilang istasyon ng pulis.