Medical at Dental Mission at Ugnayang barangay isinagawa sa Bayan ng Sto. Tomas, Lalawigan ng Batangas

Nagsagawa ang Bayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas ng isang Medical at Dental Mission sa Brgy. Sta. Maria kamakailan. Nakatanggap ng libreng check-up ang mga taga-Brgy. Sta. Maria kasama na rin ang gamot para sa kanilang karamdaman. Namahagi rin sa Medical at Dental Mission ng mga vitamins para sa mga bata at kung sino man ang mangangailangan nito. Sinamantala na rin ng mga taga Sta. Maria ang alok na libreng pagupit at manicure sa isinagawang Medical at Dental Mission na kasabay na rin ang Talakayan at Ugnayang barangay.

Nakatuwang naman sa Medical at Dental mission sa bayan ng Sto. Tomas ang buong Sangguniang Barangay ng Sta. Maria, Barangay Health Workers na umasiste sa pangangailangan ng mga tao at staff ng medical at dental mission gayondin ang mga Barangay Nutrition Scholars, Barangay tanod para sa saguridad ng lugar at iba’t ibang volunteer workers na katuwang ng pamahalaang bayan.