Mga Candelariahin, dumagsa sa Provincial Job Fair

Dumagsa ang mga aplikanteng Candelariahin na nagbabakasakaling matanggap sa isinagawang Provincial Job Fair 2018 ng Pamahalaang Panlalawigan sa Candelaria Municipal Covered Court, Nobyembre 27.

Ang kasalukuyang hinahanap ng mga kumpanya na siyang tutugon sa iba’t ibang posisyong kanilang hinahanap gaya na lamang ng Business/Office Mall at Field Work Personnel, Sales Personnel, Service Crew, Recruitment Associates, Technicians, Production Machine Operators, Engineers, Skilled Workers, Welders and Drivers, Cashier, Cooks, Factory Workers.

Ayon kay Quezon Governor David “Jayjay” Suarez, mayroon daw silang napansin sa mga nag-aapply ng trabaho na kung saan nahihirapan ang mga ito sa requirements na nais nilang pasukang trabaho.

“Ngayon mayroon po kaming napansin na problema sa mga nag-aapply, nahihirapan silang makuha ‘yong mga requirements sa trabahong nais nilang pasukan. Anu-ano po ang mga requirements na ‘to? birth certificate, marriage certificate,” pahayag ni Gov. Suarez.

Samantala, ayon pa sa gobernador kung sakali man na matanggap agad ang kumpanya ang mga nag-aapply ng trabaho siya na raw ang magbabayad ng mga requirements na hinahanap ng kumpanya tulad na lamang ng birth certificate, marriage certificate, at certificate of no marriage.