Mga drug surenderers sa Lucena naglinis ng tabing dagat bilang parte ng kanilang rehabilitasyon

Sama samang nagsagawa ng coastal clean-up ang mga surrenderers sa Lungsod ng Lucena sa bahagi ng Barangay Talao Talao at Dalahican kamakailan. Umabot sa mahigit isang daang surrenderers ang nakilahok sa aktibidad na inorganisa ng Lucena PNP at City Anti Drug Abuse Council, kasama ang mga opisyal ng Barangay ng Dalahican at Talao Talao.

Ang coastal clean ng mga ito ay bahagi pa rin ng kanilang tuloy tuloy na community based rehabilitation sa tulong ng mga lokal na ahensya ng pamahalaan sa Lungsod ng Lucena.