Mga establisimyento sa Lungsod ng Antipolo na hindi susunod sa safety standards ng IATF, ipasasara ng pamahalaang lokal

0
75
Photo Courtesy: Mayor Andrea Ynares

Pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlungsod ng Antipolo ang pamunuan ng iba’t ibang gusali mapa-pribado man o pag-aari ng gobyerno na patuloy na ipatupad ang mga safety protocols ng pamahalaan.

Ayon kay Mayor Andrea Ynares, kahit ipinag-utos na ng DILG na tanggalin ang pagpapatupad ng quarantine pass, kailangan pa ring sundin ang physical distancing, pagsusuot ng facemask, pag kuha ng temperature, pag disinfect, at hindi pagpapapasok sa mga indibidwal na hindi dapat na sa lumabas ng kanilang tahanan.

Babala ng alklade, ipasasara agad ang mga establisimyento na makasusunod sa safety standards na itinakda ng IATF.

Nananatili din umano ang posibilidad na ibalik ang pagpapatupad ng paggamit ng quarantine pass sa mga darating pang buwan kaya nanawagan si Ynares na huwag munang itapon ang passes.