Mga estudyante ng Tanauan City humakot ng medalya sa China!

Humakot ng medalya ang ilang mga math whiz kids mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod ng Tanauan sa International Mathematics Wizard Challenge 2017 na ginanap sa Xiamen, China.

Nangibabaw ang pambato ng Lily Rose School na si Trisha S. Dela Cueva matapos iuwi ang gold medal sa Middle Primary Division Grade Four. Iniuwi nina John Vincent D. Abril at Leicester Alexander Dimapilis ng First Asia Institute of Technology and Humanities ang silver medal para sa Junior Division Grade Seven. Samantalang sina Gian Benedict G. Malabanan ng Multiple Intelligence Learning Center (Tanauan) at Reign Jhudiel O. De Villa ng FAITH ang kumopo ng silver at bronze medals para sa Upper Primary Division Grade Five.

Panalo din ng silver medal si Angelina Mae Precilla ng De La Salle Lipa sa Intermediate Division Grade Nine. Dagdag pa rito, ginawaran ng Merit Certificate ang kinatawan ng Tanauan North Certral School (TNCS) sa Primary Division Grade Two na si Alexa Rose Maiquis.