Mga kabataan ng Pagbilao nagpakitang gilas!

Bilang bahagi pa rin ng kapistahan ng Pagbilao, Quezon, nagsagawa ng Drums and Lyre Band Exhibition ang iba’t ibang eskwelahan sa grounds ng St. Catherine of Alexandria Parish. Ipinakita ng mga kabataang estudyante ng bayan ang kanilang galing sa pag-tugtog at paglikha ng musika. Sinaksihan naman ang aktibidad ng mga opisyal ng eskwelahan at pamahalaang bayan ng Pagbilao. Kasama rin sa mga nanood ng pagpapakita ng talento ng mga kabataang Pagbilaowin ay mga magulang at karaniwang mamamayan na lubos ang pakikiisa sa kapistahan ng kanilang bayang kinabibilangan.

Ang mga paaralang lumahok sa Drums and Lyre Band Exhibition at nagbahagi ng kanilang talento ay Malicboy East ES, Talipan NHS, Polo South ES, Talipan ES, Pagbilao Central ES, Parang-Pinagbayanan ES, Iba. Palsabangon ES, Silangang Malicboy NHS, Pagbilao East ES at CVE Colleges, Inc.