Mga Kwentong Binay at Roxas Lang

Ang mga kwento rito ay BIRO lang, pero hindi birong pagsisikap para maihatid sa mambabasa natin ang kalagayang sa kabila ng mga negatibong balita at pangyayari sa pulitika ay may mukha pa ring positibo. Nais naming ito ang i-prisinta para magsilbing opsyon sa manghahalal sa kanilang pagtimbang-timbang sa dapat na kapasyahan pagdating ng oras. Parte rin dito ang ilang anekdota ng sumulat na naging importanteng bahagi ang tampok na mga personalidad. Ito ang huli sa dalawang serye ng artikulong ito. Mga kwentong Binay – Roxas Lang…

Si Mar Roxas ay anak ni Gerry Roxas at Judith Araneta. Kilalang angkan ng mga asendero sa Visayas. Ang amang si Gerry ay kasama sa mga lider ng bansa na mayreputasyon ng integridad sa kanyang panahon. Kapatid si Mar ng dating kongresista at yumao ng si Dinggoy, na noo’y tinitingnan bilang tagapagmana ng kanilang pamilya sa pulitika at sa gayo’y serbisyo publiko. Ang pagkamatay nito sa cancer ng maaga ang nagbunsod para sakupin ni Mar Roxas ang karera sa public service ng kapatid. Halihaliling hinawakan ni Mar Roxas ang tungkulin sa government service sa pagiging miyembro ng gabinete at pagiging senador sa ilang presidente ng bansa. Nanguna sa senate election noon bilang Mr. Palengke, na unfortunately ay sandaling panahon lang kumapit sa kanya. Bagay na ayon sa mga political analysts ay nagpatibay sana sa kapit niya sa masa hanggang ngayon. Ang yaman na pamilya ni Roxas ay dinala sa kamaynilaan mula sa Negros at nagpundar sa lungsod Quezon ng mga malalaking negosyo sa Cubao – malls, specialty shops, farmers market, etc. pati ng kinatandaan ng Araneta Coliseum ng mga senior citizens ngayon. Ang paglalarawan nga ng ilan ay hindi raw malalagay sa mapa ang Cubao kung wala dito ang pamilya Roxas- Araneta. Buhat sa buena pamilya, si Mar Roxas ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. May kwento si PNOY, na sa kabila ng estado ng negosyo ng mga Roxas sa Cubao, hindi raw naglagay, kundi ipinagbawal pa ni Mar sa mga kamag-anak ang pagtatayo ng call center o negosyong Business Process Outsourcing sa kadahilanang si Roxas ang pangunahing nagsulong nito noong siya ay DTI secretary at ayaw mapagdudahan ang kanyang integridad ng sinuman. Ang asawa ni Mar ay ang national TV personality na si Korina Sanchez at may isang anak na binata sa kasalukuyan mula sa naunang relasyon. We had the privilege of a chance encounter with Mar Roxas. Hindi ito panaginip. Mabuti na yung maliwanag at maraming taon na rin ang lumipas. Madalas nating madinig ang “pagkakaibigan” ng mga Binay at ng pamilya Aquino. Sa mga kapatid ni PNOY, sa mga anak ni Binay at maging mula kay Pangulong Aquino at Bise Presidente Binay. Were the best of friends, are now the worst of enemies? Ang kwento ng pulitikal na kasaysayan ni Jejomar Binay. Nakilala sa government service si Binay mula ng itinalaga ng democracy icon Cory Aquino sa pagiging Officer-in-charge ng Makati, ng ang yumaong nanay ni PNOY ay umupong presidente matapos mapalayas sa Malacañang ng EDSA People Power Revolution ang diktador na si Ferdinand Marcos. Nag-overhaul si Cory sa gobyerno nasyunal man o lokal sa bisa ng Freedom Constitution matapos ideklara ang revolutionary government. Inalis ang lahat ng mga local officials na naka-upo at hinalinhan ng mga OICs. Paraan marahil ni Cory para tuluyang mawala na ang impluwensya ng Martial Law ni Marcos. Ang taga-pugot ng ulo – si Aquilino Pimentel na tumayong pinuno ng interyor at lokal na gobyerno. Ang hinalinhan ni Binay ay ang milyonaryo at malaon ng alkalde ng noon ay munisipyong Makati na si Nemesio Yabut. Pagkatapos ng halos isang taon ay nagpadaos ng eleksyon si Cory para sa lehislatura pati na sa local government. Kumandidato ang OIC na si Binay, nanalo, at buhat noon hanggang sa makatapos ng tatlong terminong higit pa sa siyam na taon ay siyang alkalde ng Makati na naging siyudad na rin. Progresibong lider si Binay. Bunsod marahil ng asosasyon niya sa mga progresibong sektor bago pa man mag-EDSA revolution. Nang makatapos ng termino si Jojo Binay ay hinalinhan siya ng asawang si Dra. Elenita Binay na siyang hold over candidate ni Jojo. Utay-utay ng nagmamarka at nag-uugat ang pamilya Binay sa Makati dahil na rin sa inobasyon sa governance na ini-introduce ng Binay patriarch na si Jojo. Nailagay naman ito sa Metropolitan Manila Development Authority

Si Manong Nick ay isang pipitsuging konsehal noon ng Lungsod ng Lucena na nasa ikalawang termino. Si Mar Roxas ay DTI secretary noon na isa sa mga resource persons at speaker din sa dinaluhan nating kumperensya sa kamaynilaan. Hindi pa masyadong sikat noon si Roxas pero nagmarka sa isip ko dahil sa isinusulong nitong proyekto tungkol sa pag-import ng mga branded na gamot na maipagbibili ng mura sa Pilipinas. Hindi pa gaanong uso noon ang generics at mahal naman ang mga branded na gamot. Sa inisyatibo ng DTI sa ilalim ni Roxas ay napag-alaman nito na napakalaking kamurahan ng gamot sa ilang mga kalapit na bansa sa Asya – India, Bangladesh, Pakistan, etc. Bunsod ito ng pagkakaroon ng industriya ng gamot na lisensyado ng mga dayuhang manufacturers para doon i-produce. Sinabi pang nakapagsulong ng mga regulasyon sa mga bansang yaon para sa mga presyo ng branded na gamot. Mga kondisyong wala sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng isang local importing company ay nagput-up ng kapital ang gobyerno sa pamamagitan ng DTI at nag-import ng mga branded na gamot para sa ilang mga pangunahing sakit sa bansa.

Isinusuplay naman ito sa mga regional hospitals at iba pang piling outlets para ma-avail ang murang gamot ng nangangailangang publiko. Sa yugtong ito pumasok sa aking isip ang kalagayan noon sa Lungsod ng Lucena na naglalaan ang konseho ng 5 milyong piso para sa gamot na inia-asiste sa mga Lucenahing may sakit. Kung magiging outlet ang City Health Office para sa murang gamot ng DTI, naisip ko, ay baka madoble o ma-triple ang dami ng gamot sa kapareho ring pondo, at branded pa! Kaya kahit hindi ako kilala ng noo’y DTI Secretary Mar Roxas ay kinausap ko ito at ipinaliwanag ang sitwasyon. Matamang nakinig si Roxas, at pagkatapos, readily ay sinabi nitong posible ang ideyang aking ipinrisinta. Tinawag ang kanyang assistant, nagbigay ng instruction para mag-coordinate kay Manong Nick ng kailangang papeles. Bahagi nito ang pagpapasa ng resolusyon ng Sangguniang Panglungsod para sa aking mungkahi. Naipa-pasa ko ito, unfortunately, hindi naimplement ng executive. Kung bakit ay bukod na istoryang pwede nating pagkwentuhan isang araw. Anecdote ito na kaya natin inihatid ay maging kabilang mukha ng puna kay Roxas na umano’y elitista at unreachable. Di nga? Ang bintang kay Mar Roxas na suplado, elitista, makasarili, etc. sa tingin ko ay stigma ng maputi, mayaman, mayabang kaya suplado, elitista, mapagmataas, nakasalamin kasi, o mayaman kasi, etc. sa ating lipunan. Idagdag pa siyempre na dahil pulitiko ay inaasahang palangiti, palakamay, palakwento, galante, nagkakamay kumain, umiinom sa isang baso at marami pang ibang asal na idinidikta ng lipunan sa mga pulitiko. Ang kwalipikasyon, ang kakayahan, ang katapatan, ang dangal at iba pa ay tila huli sa hilera ng katangiang hinahanap ni Aling Maria at Mang Juan. Kaya siguro sinabi ni PNOY na “kilalanin natin” ang pulitiko. Liliwanagin ko lang, sa puntong ito ay hindi ako, o hindi pa ako kay Mar Roxas dahil pinag-aaralan ko pa kung sino ang ibobotong presidente sa 2016. Kasama sa pag-aaral ang pagkilala sa kandidato. Sa harap ng mga negatibong bintang kay Mar, may kakaiba sa personalidad nito. Mayamang mahilig mag-driver? Kaya tuloy tinawag ni Bong Revilla na Boy Pickup? Na sinabi ni PNOY ay nagda-drive pa kung minsan sa gabi para ikutin ang misyong na-accomplished ng araw pa? O binabantayan kayang gawain. Elitistang iyakin? Ilan bang beses na nabasag ang boses nito sa pagtanggap sa endorsement ng pangulo? Nabibikig ang lalamuna dahil gustong lumaya ng mga luhang hinihila ng emosyon. Emosyon na nagbigay kay Noynoy noong 2010. Bayan daw muna bago ang sarili. Emosyon sa mga nabuwal sa Mamasapano, Maguindanao. Emosyon sa engagement at kasal nila ni Korina! Emosyong katangian ng karaniwang tao… Suplado si Mar, sabi ng opinyon. Kapareho kaya ng opinyon ng may isang milyong may trabaho ngayon sa call center dahil sa pagpupursige ni Mar Roxas? Kapareho kaya ng opinyon ng mga nakabili noon ng murang gamot? Hindi siguro. Kung alam langnila kung bakit nagkaganoon. Makasarili? Isinakripisyo ang pangarap noong 2010 para makapangarap daw na muli ang Pilipino. Walang kaso ng katiwalian… kahit uso na ang pork barrel, plunder, over price, SOP, malversation, ghost projects, etc… etc… etc… o MMDA para mamahala. Pero hindi gaanong naging exceptional ang panunungkulan nito sa MMDA. Nang kasunod na eleksyon, si Jojo Binay na ulit ang tumakbong mayor para sa panibagong 3 terminong limitasyon o muli ay siyam na taon. 2010 ang huling taon ni Binay, pero sa pagkakataong iyon ay ibang pangarap na ang hinahabi ng pulitika nito. Inihanda ang anak na si Konsehal Erwin Binay para tagapag-mana niya sa Makati. Lihis sa katuparan ng pangako niya kay Vice Mayor Ernesto Mercado na siyang tormentor ngayon ni Jojo Binay sa bintang na katiwalian. Nakamit ni Binay ang kapital para sa national prominence ng samahan si Fernando Poe Jr. ng tumakbong presidente noong 2004. Nanatiling oposisyon ni Gloria kasama si Erap kahit sa harap ng kabiguan ni FPJ. National figure na si Jojo Binay. Hindi na sa Makati lamang naging relevant si Jojo Binay at noong 2010, siya na ang katandem na bise presidente ni Erap ng magtangka ang huli na makabalik ng Malacañang. Tinalo si Roxas naging bise presidente si Binay, tinalo ni PNOY si Erap, at mula noon ay pinangarap na ni Binay ang Malacañang. Magrewind pa tayo ng konti sa panahong bago pa man mag-mayor si Binay. Sino ba ang hindi nakapanood sa telebisyon ng kwento ng buhay ni Binay – maagang naulila sa mga magulang na mahirap ang buhay. Kinalinga ng kamag-anak, na kapalit ng pagaaral ng bata pa ay kinatulong sa pag-aalaga ng manok ay baboy at pati ng gawaing bahay. Natutong mag-hanap-buhay para sa sarili – sa kalsada, sa palengke, at pinilit na makatapos ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Kalaunan, dahil sa pagsisikap ay nakatapos rin ng batas at naging abogado. Bagong abogado pa lang si Binay ay nasangkot na sa mga grupong noon ay nagkakaloob ng libreng legal na serbisyo sa mga walang kakayahang mamamayan lalo na sa mga noon ay dumaraming biktima ng Martial Law. Hindi siya estranghero sa Free Legal Assistace Group nina Tañada at Doy Laurel. Grupo ng mga manananggol na MABINI ng pangkat ni Rene Saguisag at iba pa. Isa rin si Binay sa naging haligi ng LUMABAN o Lupon ng Manananggol sa Bansa na noon ay naka-base sa state college na Philippine College of Commerce o PCC sa University Belt at pinamumunuan ni Dr. Nemesio Prudente bilang presidente. Si Dr. Prudente ay kilalang icon ng struggle o pakikibaka para sa demokrasya. Si Binay ay nagtuturo noon sa PCC. Kilala rin si Binay na laging laman ng rally at demonstrasyon laban kay Marcos. Magsabi ka ng itinatayong anti-Marcos movement at mas malamang na kasangkot si Binay. Abogado siya ng mga magsasaka at manggagawa na nakikipaglaban sa kanilang karapatan sa buhay at hanap-buhay. Lalo ng abogado ng mga kabataan at estudyante na sa pakikibaka para sa demokrasya laban sa rehimeng Marcos ay palagi nang nakabingit sa pag-aresto at pagkakulong. Hindi na makapag-tataka na kabisado ni Binay ang lahat ng presinto, headquarters at detachment kaya ng Integrated National Police o INP noon o kaya ay ang Metrocom o Metropolitan Command. Aktibista si Binay! Markado si Binay sa EDSA People Power revolution. Kung may footage ng VHS o Betamax tape ng pagsugod ng noon ay Gen. Alfredo Lim (na naging mayor ng Maynila) sa Channel 4 Broadcast Studios ng ito’y sakupin noon ng ilang sundalong Marcos loyalists, ay makikita dito si Binay na naka-camouflage, may dalang armalite na sumusugod! Dito siya nabansagang Rambotito. A play of words from Rambo of Sylvester Stallone and tito which commonly depict a small person as Binay certainly is. Samantala’y may anecdote kami ng encounter kay Binay sa panahon ng aming early student activism… 1971, ikatlong taon ko noon sa kolehiyo ng Philippine College of Criminology o PCCr sa Sta. Cruz, Manila. Swerteng nahalal ako sa Supreme Student Government. Tulad ng iba pang campuses sa kamaynilaan, ang PCCr ay naglalagablab sa aktibismo ng panahon. Sa yugto ng isang katatapos na rally at demonstrasyon laban sa administrasyon ng kolehiyo ay sumiklab ang karahasan. Marami ang nasaktan sa hanay ng mga estudyante at marami rin ang nasira na gamit at bahagi ng gusali ng PCCr. Nagtagumpay kami gayunman sa ipinaglalabang pagpigil sa tuition fee hike at napilit ang administrasyon ng kolehiyo para sa renegosasyon ng pagtataas sa matrikula. Pero, sa malas, ay gustong bumawi sa mga student leaders ng paaralan. Pag-aari ito ng isang korporasyon ng kare-retire lang na SC Justice. Idinemanda ako at ilang kasama ng libel, damage to properties, etc. Nag-alala kami siyempre. Ang complainant ay hindi lang basta mayaman, sigurado ring maimpluwensya sa fiscals office at sa hukuman! Pipitsugin versus makapangyarihan. Marami naman kaming lakas ng loob! Humingi ako ng tulong kay Dr. Nemesio Prudente na presidente ng Philippine College of Commerce para tulungan kami ng LUMABAN o Lupon ng Manananggol ng Bansa na naka-base sa PCC. Nangako ang makamag-aaral na si Prudente. Ilang linggo pagkalipas ay wala pa ring nangyayari. Nagdesisyon akong maghanap pa ng pwedeng tumulong sa amin, hanggang sa makarating kami sa noo’y Constitutional Convetion Delegate na si Enrique Voltaire Garcia. Abogadong kilalang aktibista mula sa UP at isang progresibo. Tinanggap nito ang aming kaso -pro bono o libre! Isang linggo bago mag-hearing napatunayan kong hindi rin naman pala kami binigo ni Dr. Prudente at ng LUMABAN. Habang nakatambay sa labas ng gusali ng PCCr sa Sales Street, kausap ang ilang estudyante ay nagtanong ang isang maliit, maitim na lalaking naka-polo barong na may bitbit na malaking porpolyo. Sino at nasaan raw kaya si Nick Pedro. Pinapunta raw siya ni Prudente para maging abogado ng mga student leaders na idinemanda ng PCCr. Si Atty. Jejomar Binay siya ng Lupon ng Manananggol ng Bansa! Pro bono rin.

Humingi ako ng paumanhin, matapos magpakilala, dahil may finality na ang usap namin ni Atty. Voltaire. Pero hindi maubos ang aking pasasalamat sa pagkaka-abala ni Atty. Binay na siya pa ang naghanap sa amin. Talking of humility ang sincerity, Binay then, surely posses the virtues! Wow! Vice President at baka mag presidente pa! OMG!

Ipinrisinta namin ang mga personalidad na posibleng magkamit ng pinaka-mataas na liderato ng bansa ayon sa aming pagsasaliksik at personal na pagkaka-kilala. Nais namin na may bukas na opsyon sa publiko para sa pamimili dahil ang soberenidad ay kapangyarihan ng bayan.

Siya nga pala, baka curious kayo sa nangyari sa aming kaso noon – na dismiss ito sa kung ilang hearing lamang ng piskal! Alaalang iniwan sa akin ng isa pang magiting na abogado, ang yumao ng si Atty. Enrique Voltaire Garcia.