Mga lumipat na street food vendors sinigurong malinis ang pagkain na ibinebenta

Hindi lamang ligtas ang mga street food vendors at kumakain ng kanilang mga ibinebenta kundi mas malinis na rin ang mga pagkain. Ayon kay Barangay 5 Captain Edward Sybang, mula ng malipat ang mga nagtitinda ng street food sa Profugo Street tungo sa kanilang proyektong Do Negosyo sa panulukan ng Profugo at Granja Street ay nakipagpulong sila sa mga nagtitinda ukol sa kaligtasan at kalinisan ng pagkain. Bukod sa kailangan may takip ang mga pagkain, binanggit ni Kapitan Sybang na kasama sa napagpulungan at napagkasunduan ay ang pagbebenta ng mga mineral water upang masigurong malinis at ligtas ang inuming tubig ng mga customer. Katulad di anya ng nakagawian na ay mga disposable na mga baso tinidor at kutsara ang ginagamit ng mga vendors at pagkatapos makakain at itatapon na ang mga pinag-kainan.

Ipinagmalaki pa rin ni Kapitan Sybang na maraming natutuwa sa kanilang proyekto dahil maayos ang lugar. Pagdating naman sa pagmamantine ng kalinisan ng Go Negosyo Project ay sinabi ng kapitan na mayroong care taker dito at ito ang responsable sa paglilinis pati ang banyo na ipinapagamit sa mga customer. Minomonitor naman ito ng pamahalaang barangay ng Barangay 5 kung napapanatili ang kalinisan.

Binanggit din ni Kapitan Sybang na sa pagbubukas ng bagong lugar para sa mga nagtitinda ng street food ay napapansin nilang mas marami ang mga propesyunal na nagtutungo dito upang kumain. Sa kwento ni Sybang ay may mga kakilala itong mga doktor engineer at maging miyembro ng media na nakikitang kumakain kasama ang kanilang pamilya. Isang dahilan nito pagtataya pa ni Sybang ay dahil sa ligtas at malinis na pwesto ng mga nagtitinda.