Mga mamamayan ng Tanauan City nagpakita ng suporta sa kanilang alkalde

Dinagsa ng mga mamamayan ng Tanauan City ang inorganisang Walk for Truth ng Liga ng mga Barangay. Ang akibidad ay bilang pagbibigay suporta sa alkalde ng Tanauan City na si Mayor Antonio Halili. Sa mga nakaraang bandilyo ay sinabing tinaggalan ng NAPOLCOM o National Police Commission ang Tanauan City Mayor ng supervisional powers sa lokal na kapulisan. Nakasaad din sa order ng NAPOLCOM na kaya ito ginawa ay dahil, base umano sa validation ng intelligence agencies ng pamahalaan ay sangkot sa illegal drug trade si Halili.Nauna na itong itinanggi ng Tanauan City Mayor at ang isinagawang Walk for Truth and magpapatunay umanong hindi naniniwala ang mga mamamayan ng Tanauan na sangkot nga sa iligal na droga ang kanilang alkalde. Sa maigsing programa ay nagsalita din ang iba’t ibang lider ng mga organisasyon at nagpahayag ng kanilang pag-suporta sa Mayor Antonio Halili.

Minamantine naman ni MAyor Antonio halili na wala siyang kinalaman sa iligal na droga maliban sa paglaban niya dito. Mula pa anya noong 2013 ng maupo ito bilang alkalde ng lungsod ng Tanauan ay nagdeklara na siya ng giyera kontra droga na nauna pa daw sa kasalukuyang administrasyon.