Mga overloaded na pampublikong sasakyan, tututukan ng Candelaria PNP

 

Tututukan ng lokal na pulisya sa bayan ng Candelaria, Quezon ang mga pampublikong sasakyan na labis kung magpasakay ng mga pasahero lalo na ng mga estudyante.

Sa panayam kay PLt. Nimfa Pascua, chief operations ng Candelaria PNP, sinabi nitong mahigpit na ipinagbabawal at kanilang sisitahin ang sinumang driver ng mga pampublikong sasakyan gaya ng lamang ng mga jeep at tricycle.

Aniya, kalimitan pilit pang isinisiksik ng mga drivers sa kanilang mga sasakyan kahit puno na at kung minsan marami ang nakasakay sa itaas lubhang mapanganib at takaw aksidente.