Mga Quezonians sumailalim sa training ng DTI

Nagasagawa kamakailan ng isang Seminar ang DTI sa Lalawigan ng Quezon para sa pag-papaunlad ng mga negosyo ng MSMEs o Micro-Small and Medium Enterprises sa lalawigan. Ginawa ito sa Tayabas City at pinag-usapan sa pamamagitan ng DOST-Industrial Technology Development Institute ang mga makabago at iba’t ibang inobasyon sa packaging ng mga produkto. Ibinahagi rin sa mga nagsidalo sa seminar ang importansya ng disenyo at brand development upang mas makaakit ng mas maraming mamimili at magkaroon ng mas malaking share sa merkano.

Ang Department of Trade and Infustry ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng kanilang mga aktibidad upang makatulong sa mga negosyante hindi lamang sa lalawigan ng Quezon kundi sa buong bansa. Bukod sa mga seminars na kanilang isinasagawa ay nag-sasagawa rin ang ahensya ng mga inspeksyon sa mga business establishments upang makita kung nakakasunod ang mga ito sa itinatakdang patakaran ng DTI.