Nakaraang administrasyon walang nagawang magandang programa sa sektor ng senior citizen – Mayor Alcala

Pinasaringan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga dating nanunungkulan sa pamahalaang panglungsod ng Lucena hinggil sa kawalan ng nagawa sa sektor ng senior citizens. Wala umanong proyekto ang dating administrasyon para sa mga senior citizens ng lungsod. Ikinatatakot umano ng alkalde na maputol ang mga programa para sa senior citizens tulad ng pamimigay ng birthday cash gift at maging ang ilan pang mga proyekto para sa mga matatandang Lucenahin sakaling mapabalik ang kanyang katunggali sa pwesto. Sapagkat kung noong nakaraang administrasyon ay hindi na ito nagawa, ay tiyak na hindi rin umano nila ito gagawin, dahil alam anya ng Lucenahin na siya ang nagpasimula nito. Nanawagan si Alcala sa nakakatandang sector ng lipunan na patuloy na suportahan ang kaniyang administrasyon upang magtuloy-tuloy din ang ganitong uri ng programa hanggang sa loob ng siyam na taon. MARK VASQUEZ