NAWAWALANG PONDO: Hindi na nagpapakita ang sangkot na Barangay Treasurer

Sa usapin ng nawawalang pondo ng Barangay 8 sa Lungsod ng Lucena ay binanggit din ni Kapitan Mandy Suarez na hindi na rin makita ang sangkot sa pagkawala ng kanilang pondo, ang treasurer nito na si Joyce Ramos. Ayon kay Suarez bago pa man hindi magpakita ang dating tresurera ng kanilang barangay ay hindi sila nagka-komprontahan nito. Hindi rin anya nagpakita si Ramos noong nagkaroon ang barangay 8 ng emergency meeting tungkol sa usapin.

Dahil hindi nga daw sumisispot ang kanilang treasurer at kumuha na ng kapalit nito ang barangay 8. Pinabulaanan naman ni Kapitan Suarez ang kumakalat aniyang usap-usapan sa kanilang barangay na pinagbabantaan nito ang buhay ng dating treasurer kaya hindi ito nagpapakita. Hindi daw niya kaya o ng kanyang pamilya ang gumagawa ng ibinibintang.

Nananatili namang bukas ang Bandilyo TV sa dating Barangay Treasurer ng Barangay 8 na si Joyce Ramos upang maipahayag ng kanyang panig.