Niyugyugan Festival matagumpay na naidaos

Matagumpay na nagtapos kahapon August 27, ang dalawang linggong selebrasyon ng Niyogyugan Festival. Isa-isang binigyang-pagkilala ang mga nagwaging munisipalidad para sa iba’t-ibang kategorya ng mga patimpalak para sa selebrasyon. Panalo sa street dance competition ang bayan ng Sariaya na nakuha ang 3rd place, 2nd place Pagbilao at 1st place ang bayan ng Tagkawayan. Para sa best float: 3rd place Atimonan, 2nd place Padre Burgos at 1st place ang bayan ng Infanta. Samantala para naman sa dance showdown, 4th place Atimonan, 3rd place Real, 2nd place Tagkawayan at 1st place naman ang bayan ng Dolores. Ang bayan ng Dolores ang magiging kinatawan ng Quezon sa gaganaping Aliwan Festival sa susunod na taon.

Para sa Category A ng booth competition, 3rd place Gumaca, 2nd place General Nakar at 1st place ang bayan ng Infanta. Sa Category B ng booth competition 3rd place Buenavista, 2nd place Quezon, Quezon at 1st place ang bayan ng Padre Burgos. Itinanghal na overall champion ang bayan ng Infanta mula sa mga naglaban-labang munisipalidad ng lalawigan. Ibinahagi naman ni Gov. David Suarez na umabot sa 18 milyong pesos ang overall sales ng Niyogyugan Festival at inaasahan pa ang pagtaas nito sa mga susunod pang taon sa tulong pa rin ng aktibong partisipasyon ng bawat bayan ng lalawigan.