Number 10 most wanted sa CALABARZON, patay matapos manlaban sa pulisya

Patay matapos umanong lumaban sa mga awtoridad ang number 10 most wanted ng CALABARZON Region.

Ayon sa Quezon Pulis, pasado 8:00 ng gabi ng Nobyembre 13 sa Purok Bagong Silang, Brgy Silangang Mayao, Lucena City sa pagtutulungan ng Regional Investigative Division, Quezon PNP, at Lucena Pulis, nang isisilbi na ang tatlong warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder sa suspek na si Dennis Comia Rafa alyas Ala E.

Ayon sa pulisya, bumunot umano ng kalibre 45 baril ang suspek at pinaputukan ang arresting team dahilan para gumanti ng putok ng baril ang operatiba na nagresulta sa pagmakamatay ni Rafa.

Narekober sa insidente ang kalibre 45 na baril na ginamit umano ng suspek at basyo ng bala. Si alyas Ala E ay matagal na umanong nagtatago sa bataas.