Nutrition Month activities sa Laguna nag-umpisa na

Promal nang binuksan sa Lalawigan ng Laguna ang taunang Nutrition Month na isineselebra tuwing buwan ng Hulyo. May temang “Healthy Diet, gawing habit for life” ginanap ang pagdiriwang sa Time Plaza sa bayan ng Sta. Cruz sa Laguna na may layuning magkaroon ng malawak na kamalayan ang mga mamamayan ng Laguna sa kahalagahan ng tamang nutrisyon. Nagsimula ang programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng isang fun run na nilahukan ng iba’t ibang kawani ng mga ahensya ng lokal na pamahalaan. Dinaluhan ng mga Barangay Nutrition Scholars at Municipal Nutrition Action Officers ng buong Laguna ang mga aktibidad.

Ilan pa sa nakatakdang aktibidades ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna kaugnay ng Nutrition Month ay ang Congress para sa mga ama at ina ng lalawigan. Barangay Nutrition Scholar Convention na may temang Promotion of Healthy Diet in the Community, libreng check up ng Laguna Department of Education Office, Food fair sa Time Plaza sa bayan ng Sta. Cruz at iba pang makabuluhang aktibidad na nauukol sa buwan ng nutrisyon.