Oplan Magilas, ikakasa ng Lucena PNP

 

Humarap noong Lunes sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena si P/Lt. Col. Reydante Ariza, hepe ng Lucena City Police Station upang iprisinta ang kanilang programa na Oplan Magilas na sisimulan sa Brgy. Dalahican sa Setyembre 20, Biyernes.

Layunin ng programa na ang 12 natitirang barangay na hindi pa naidedeklarang drug cleared ng PDEA ay sasailalim sa operasyon sa pamamagitan ng Oplan Magilas.

Isasagawa ang nasabing programa para maideklarang drug cleared ang natitira pang barangay sa lungsod.

Dahil dito, napilitan nang magtanong si Vice Mayor Philip Castillo sa hepe ng pulisya.

“Dalahican ba ang halos identified niyo na may mga drugs?”

Sa sagot ni Ariza ay wala na umanong iligal na droga sa Brgy. Dalahican at sa Lucena.

Aniya, albatross na ngayon ang ibinebenta ng mga tulak ng iligal na droga sa nasabing barangay.