Pacquiao, wagi kay Broner; Quezon Convention Center halos mapuno dahil sa libreng pay-per-view

Halos mapuno ng tao ang loob Quezon Convention Center kahapon dahil sa libreng pay-per-view na ipinagkaloob ni Gov. David Suarez, Congresswoman Anna Suarez, at Congressman Danilo Suarez para masubaybayan ng mga Lucenahin ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay Adrien Broner.

Nadepensahan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang WBA Welterweight Championship belt kontra kay American boxer Adrien Broner via unanimous decision.

Ayon sa ilang mamamayan na tumangging magpa-interview sa Bandilyo News Team, sinabi na lang ng mga ito na manalo o matalo kay Pacquiao pa rin daw sila hanggang sa huli.

Sa kabila ng agwat sa edad, pinaulanan ng suntok ni Pacquiao ang American challenger. Dahil dito , ito na ang ika-61 na panalo ni Pacquia

o sa kanyang 70 professional fights.

Samantala, naganap ang bakbakang Pacman-Broner sa MGM Grand Arena sa Nevada, USA.