Pag-Ibig Fund kinilala ang LGU Lucena

Kinilala ng Pag-Ibig Fund ang pamahalaang Panglungsod ng Lucena dahil sa mga ikinasa nitong aktibidad para sa kanyang mamamayan. Batay sa sertipikong natanggap ng pamahalaang lokal, dahil sa matagumpay na pag-i-implementa ng Don Victor Ville housing project ang ibinagay ng ahensyang Special Award sa LGU. Ang proyekto ay pagbibigay ng murang pabahay na binibigyang prayoridad ang mga job-order employees ng pamahalaan ng lungsod at mga jeepney driver-member ng PISTOL o Pinagsama-samang Tsuper at Operator sa Lucena City. Magkapartner sa proyekto ang lokal na pamahalaan at Pag-Ibig fund upang maging reyalidad ang pangarap ng mamamayan na magkaroon ng sarili nilang tahanan sa mura at magaan na paraan ng pagbabayad.

Sa official Facebook page naman ni Mayor Dondon Alcala ay nagpahayag ito ng pasasalamat sa natanggap na pagkilala ng Pag-Ibig Fund. Ipinagpasalamat din ng alkalde ang pagkakabilang ng Lungsod ng Lucena sa listahan ng mga nakapasa sa Good Financial Housekeeping ng Department of Interior and Local Government o DILG.