Pagiging Hall of Famer ng Batangas Province makakamit kapag nakapasa sa 2017 Seal of Good Local Governance

Sa pamamagitan ng SGLG ay nasusubaybayan ang pagsunod ng mga local government units sa mga performance criteria na itinakda ng DILG sa 4 na Core Areas: Good Financial Housekeeping; Disaster Preparedness; Social Protection; at Peace and Order; at 3 Essential Areas na: Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Management; at, Tourism, Culture and the Arts.

Noong 2015 at 2016 ay nagawaran na ng Seal of Good Local Governance ang Lalawigan ng Batangas. Kapag nakapasa muli ang Batangas ngayong taon, magiging bahagi na ang Lalawigan sa Seal of Good Local Governance Hall of Fame.