Pagiging ‘premium city’ ng Lucena, tututukan ni Mayor Alcala

 

Matapos ang isinagawang 2019 Executive – Legislative Agenda o ELA ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena, isa mga iniulat ni Mayor Roderick Alcala sa regular na flag raising ceremony noong September 16, Lunes ay bahagi raw ng ELA na kung gustong maging premium city at isang magandang siyudad ay kinakailangan raw na mag-invest sa mga mag-aaral at sa mga kabataan.

Aniya, pananatilihin ang local fund na ibinibigay sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena o DLL nang sa gayon ay madagdagan pa ang mga nag-aaral sa institusyon at maging ang mga silid-aralan dito.

Dagdag pa ng alkalde, minentain din daw ng mga guro sa nasabing paaralan ang kaniyang tagubilin na kinakailangang magagaling ang pumapasok sa DLL dahil ito ay sinasala sa pamamagitan ng entrance exam.