Paglalagay ng pondo sa CADAC, malaking tulong sa mga programa ng opisina kontra sa iligal na droga – Mayor Alcala

Kamakailan sa isang panayam sa telepono sa programang 4M sa 89.3 Max Radio at Bandilyo TV sa dating alkalde ng Lucena City Ramon Talaga Jr. kaugnay sa paglalaan ng kasalukuyan administration ng malaking pondo sa City Anti Drug Abuse Council na aabot sa 5 million piso kumpara sa nakalipas na administration na 100 libong piso ayon kay Talaga, hindi naman kailangan ng malaking pondo para sa CADAC lalo kung hindi naman ito nagagamit sa tamang pamamaraan, pero ayon kay Mayor Roderick Alcala ang pagbibigay ng malaking budget sa CADAC ay malaking tulong sa ahensiya sa mga programa nito sa kampanya ng gobyerno sa iligal na droga.

Ayon pa sa alkalde, patunay lamang na nadami ang mga drug free barangay sa lungsod na epektibong programa against illegal drugs.

“Sabi po natin na ito po ay tulong so makikita natin for the past administration ang binibigay po nilang pondo ay 400 thousand samantalang tayo po ay nasa 4-5 million, last year 5 million ngayon so makikita natin na ito po ay napakalaking tulong at makikita natin dati rati po anim sisiyam ang atin pong cleared barangay ngayon po ay 16 na,” pahayag ni Mayor Alcala.

Sinabi ng alkalde na patunay lamang na buong suporta binibigay ng kasalukuyan administration sa CADAC at kapulisan sa paglaban sa illegal na droga.

“Dapat lamang malaki ang suporta, tulong po para sa atin CADAC maging ang PNP ay binigyan ng malaking budget sa implimentasyon po natin sa ating po tinatawag na Laban against illegal drugs”

Na taliwas naman sa sinasabi ng dating alkalde, samantala si Mayor Dondon Alcala at dating alkalde Ramon Talaga Jr. ay muling magkatunggali para sa pagkamayor sa Lucena City sa 2019 Election sa ika apat na pagkakataon.