Paglilimita ng oras ng pagsasara ng computer shop, solusyon sa problema sa kabataan sa Brgy.2

Isa sa nakikitang problema ni Kapitan Enrico delos Rios ng Barangay 2 sa Lucena City ay ang mga kabataang nasisita nila sa mga computer shop ng kanilang nasasakupan na mayroong mga dalang matutulis na patalim.

“Sa oplan sita, nakakahuli po kami ng mga kabataang may dala. Dinadala naming sa pulis at pinapatawag po ‘yong mga magulang,” pahayag ng kapitan.

Ayon pa kay Kapitan delos Rios, ang nakikita nilang solusyon sa nabanggit na problema ng kanilang barangay ay ang paglilimita ng oras ng pagsasara sa mga computer shop.

“Kasama ko ‘yong mga kagawad ko, nagpapakilala ka na, ikaw pa ang sinisigawan… ang mga kabataan sa pag-iisip nila sila ay tama pero mali ‘yong ginagawa nila,” sabi pa niya.

Samantala, idinagdag pa ng kapitan na sa isinasagawa nilang operasyon ng oplan sita na ipinatutupad ng kanilang barangay, hindi raw nawawala ang mga kabataang matitigas ang ulo.