Pagpatay sa isang 19 anyos na dalaga sa Barangay 3, Lucena City maraming nagulat

Maging sa social media ay kumalat na rin ang pangyayari sa poblacion ng Lucena. Maraming mga Lucenahing netizens ang nagulat sa ginawang pagpatay sa disi-nueve anyos na dalagang bantay ng isang botique na nasa poblacion ng Lungsod ng Lucena sakop ng Barangay 3. Katulad na lamang ng Facebook Page na Lucena Problems, sa pinagsamang bilang ng mga facebook shares tungkol sa usapin ay umabot na ito ng mahigit apat nalibo sa loob lamang ng maigsing panahon.

Karamihan naman ng mga nagko-komento ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa napatay na biktima. May mga nagpahayag din ng kanilang pagka-gulat sa karumal-dumal na pangyayari.

Noong araw ng Biyernes, November 17, bandang alas-dos y media ng hapon ay natagpuan ng may-ari ng botique ang kanyang tauhan na nakahandusay sa sahig at duguan. Agad na tumawag ito ng pulis kasama ang hiningan nito ng tulong sa katabing establisimiyento sa Barangay 3, Lungsod ng Lucena.