Pamahalaang Bayan ng Pagbilao patuloy ang pagtulong sa mamamayan

Patuloy ang isinasagawang pag-ayuda ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao para sa mga kababayan nitong nangangailangan ng kanilang tulong. Sa ikaapat na anibersaryo ng pagkakatatag ng Sweet Club, isang samahan ng mga Pagbilawin na dumaranas ng sakit na diabetes ay nagsagawa ng isang aktibidad ang pamahalaang bayan upang makapagbigay tulong sa mga ito. Bukod sa mga paalala ay may mga karagdagang serbisyo na inilaan para sa sweet club ang Pamahalaan ng Pagbilao, kinunan ang mga ito ng dugo upang malaman at ma-monitor ang sugar level ng mga ito at konsultasyon din para sa mga ito.

Sa pahayag ng pamahalaang bayan ay sinabi ng mga itong bukod sa sweet club ay mayroon ding itinatag na kaparehong samahan o grupo na tinatawag namang Heart Club para naman sa mga may sakit sa puso. Nagsasagawa rin ang mga ito ng aktibidad upang ipaabot ang mga impormasyon ukol sa kanilang sakit at nagbibigay rin ng tulong at ayuda para sa kanila.