Pangarap maging bise gobernador ni 2nd district board member Ferdinand ‘bong’ Talabong.

Sa ekslusibong panayam ng Bandilyo TV kay Bokal Bong Talabong ay sinabi nito na bilang isang anak gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang ama, namayapang dating Bise Gobernador Jovy Talabong, na naglingkod sa Lalawigan ng Quezon sa mga nakalipas na panahon.

Subalit hindi lahat ng kagustuhan ay nakukuha, hindi lahat ng pangarap ay natutupad ayon sa bokal.

Maari rin daw niyang isa isang tabi ang pangarap para magbigay daan sa mas makakapagbigay ng maayos na lidirato. Pero kung siya ang tatanungin pangarap niyang maging bise gobernador.