Panibagong batch ng mga Lucenahin nabigyan ng prangkisa ng tricycle

Binigyan ng karapatan mamasada ng legal ang nasa mahigit isang libong operators at driver ng mga tricycle sa Lungsod ng Lucena sa pamamagitan ng pag bibigay sa kanila ng mga prangkisa. Sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ay pinangunahan ni Mayor Roderick Alcala ang pagkakaloob sa ikalawang batch ng mga Lucenahin na mabigyan ng mga prangkisa ng tricycle. Ginanap ito sa Lucena City Government Complex sa Brgy. Mayao Kanluran.

Matatandaang kamakailan lang ay may nauna nang napagkalooban ng mga prangkisa ng tricycle. Paalala naman ng alkalde sa mga nabigyan ng prangkisa – pag-ingatan ang mga prangkisa at sumunod sa regulasyont batas trapiko.

Samantala nagpasalamat naman ang mga pangulo ng asosasyon ng mga tricycle sa Lungsod sa pagbibigay ng mga prangkisa malaking tulong umano ito sa kanilang mga miyembro.