Para sa mas ligtas na lalawigan, Batangas Integrated Security and Emergency Response System ipinanukala

Tinalakay sa isinagawang Batangas Provincial Peace and Order Council ang pagtatatag ng isang response system bilang epektibong pagtugon ng lalawigan sa peace and order situation at disaster response. Sa pagpupulong ay inilatag ni Batangas Philippine National Police Chief Randy Peralta kay Batangas Governor Hermilando Mandanas ang panukalang paglikha ng Batangas Integrated Security and Emergency Response System. Tutugunan ng Batangas Integrated Security and Emergency Response System ang pag-aksyon sa mga security threat sa lalawigan na kinabibilangan ng iba’t-ibang criminal acts, drugs and special laws, environmental crime, human induced and natural Disasters at acts of terrorism and extremism.

Ipinag-utos naman ni Mandanas ang pagbuo ng isang Technical Working Group na binubuo ng mga kasapi ng PPO Council members, ganun din ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa security at disaster response. Ang mga ito ang bubuo at maglalatag ng mga organizational structure at security plans ng programa, katuwang ang PNP, Armed Forces of the Philippines at Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office.