Patay ang isang babae matapos mabundol ng isang bus sa kahabaan ng Diversion Road, Lucena City

Pasado alas-sais ng umaga ng Enero 3,wala ng buhay ang biktimang kinilalang si Maylyn Rouiño,empleyado ng JSC Cleaning & General Services, residente ng Brgy.9 sa Lungsod ng Lucena matapos mabundol ng isang bus sa kahabaan ng Diversion Road, Maharlika Highway, Lucena City.

Patay na ng respondehan ng Lucena City Dissaster Risk Reduction Management Council matapos mabundol at makaladkad pa umano ng Elavil bus na may plate No. TYL 282 na minamaneho ni Leo Cajes Timban,39 anyos residente ng Naboa Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng Lucena PNP, papatawid ang babae ng mabangga ng nabanggit na bus na galing Bicol at direksyon patungong Maynila. Boluntaryong sumuko ang driver ng bus na nakabundol sa biktima at sa pangangalaga ng Lucena PNP