Patuloy ang ginagawang aksyon ng Tayabas PNP

Patuloy ang ginagawang aksyon ng Tayabas PNP katuwang ang pamahalaang panglungsod ng Tayabas upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan. Ayon sa PNP Tayabas ay regular silang umiikot sa buong lungsod upang imonitor ang kalagayan at nakikipag ugnayan din ang mga ito sa mga opisyal ng barangay para malaman ang pangangailangan ng mga ito seguridad man o iba pang serbisyo. Nag papatrolya din ang Tayabas PNP sa mga matataong lugar sa Tayabas City upang mapigilan ang sakaling pananamantala ng masasamang elemento sa mga mamimili at mga turista.

Patuloy parin ayon pa sa PNP Tayabas ang kanilang information ang dissemination campaign upang alam ng Tayabasin ang dapat na gawin sa oras ng pangangailangan. Alam kung ano ang mga numerong dapat na tawagan sa oras ng sakuna o mga kahina-hinalang gawain sa kanilang lugar. Hindi naman tumitigil ang Tayabas PNP sa kanilang check points upang masiguro ang karagdagang seguridad at matiyak na sumusunod sa batas ng lansangan ang mga Tayabasin.