PESO Managers nagpulong sa Sto. Tomas, Batangas

Naging host ang bayan ng Santo Tomas sa Lalawigan ng Batangas sa isinagawang 3rd Quarter Forum ng Provincial Federation of PESO Managers, Inc. at Department of Labor and Employment. Dinaluhan ang forum ng PESO Managers ng tatlumpit isang bayan at tatlong lungsod ng Lalawigan ng Batangas maging ng mga PESO Managers na nakabase sa mga eskwelahan. Pinag-usapan sa forum ng pederasyon ang patuloy na pagpapalakas ng employment sa buong lalawigan upang mapaangat ang kabuhayan ng kanilang mga kababayan. Pinag-usapan rin ang mga paraan para sa seguridad sa trabaho ng mga Batangueño at ang pagsiguro ng dekalidad na trabaho at relasyon ng mga workers at employers sa lalawigan.

Ang PESO o Public Employment Service Office ang siyang pangunahing ahensya ng lokal na pamahalaan upang magbigay ng oportunidad sa empleyo ng mamamayan. Karaniwang nakikipag-ugnayan ang mga PESO managers sa iba’t ibang kumpanya na nangangailangan ng mga workers maging ang mga kumpanya na nagpapadala ng mga skilled workers sa ibang bansa. Ang pakikipag ugnayan ng mga PESO managers sa mga counterparts nito sa ibang lugar ay ginagawa upang magkaroon ng tamang match ng mga workers at ma-maximize ang oportunidad ng pagkita.