PhilHealth at Pamahalaan ng Laguna nag-partner sa isang Health Insurance seminar

Nagsagawa ang Philhealth Region 4A sa lalawigan ng Laguna ng isang aktibidad para sa mga mamamayan upang maintindihan ng mga ito ang mabuting benepisyo pagiging miyembro ng health system. Isinagawa ang Social Health Insurance Education Series para sa mga organisadong grupo ng lalawigan sa Brgy. Halang sa Lungsod ng Calamba. Tinalakay naman ng mga kawani ng PhilHealth ang mga paksa tungkol sa National Health Insurance Program, pagiging miyembro ng PhilHealth at mga benepisyo na makukuha kung ang isang indibidwal na miyembro nito. Dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor, organisasyon maging mga samahan ng kababaihan sa buong Lalawigan ng Laguna.

Dumalo at nagpahayag ng kanilang mensahe sa okasyon si Laguna Governor Ramil Hernandez at maybahay nito na si Bokal Ruth Hernandez. Naging tagapagsalita naman sa isinagawang series ng Health Insurance Education sina Alberto Maduriao, Reginal VP ng PhilHealth Region 4A, HCDMD Head Edwin Oriña, OFD Head Arturo Ardiente at iba pang mga kawani ng PhilHealth Regional Office.