PNP Pagbilao patuloy ang pagsiguro ng kaligtasan ng mga residente

Madalas na nagsasawaga ng Oplan Sita ang Pagbilao Municipal Police Station katulad ng motor, checkpoint para mapanatili ang katahimikan sa bayan ng Pagbilao, Quezon. Ito ang naging pahayag ni Police Chief Inspector Rizaldy Merene sa panayam ng Bandilyo tv.

Dagdag pa ni merene patuloy pa din umano ang kanilang pangungumpiska ng mga maiingay na tambutso ng motorsiklo.

Ayon pa rin kay Merene pagdating naman sa karagatan ng pagbilao mahigpit ang kanilang pagbabantay kung saan may bantay dagat at may kasama itong pulis na siyang tutulong sa bantay dagat upang hulihin o arestuhin ang magsasawa ng illegal na aktibidad sa panghuhuli ng isda.

Samantala tuwing may barangay visitations ang Pagbilao Municipal Police Station ay nagdidikit sila ng sticker sa mga bahay na talagang cleared na ang mga ito at hindi na involve sa droga.