PNP,tinukoy na kung sino ang mastermind sa pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe

 

 

 

 

Pinangalanan na ng Philippine National Police ang itinuturong master mind sa pagpatay kay AKO Bicol Partylist Congressman Rodel Batocabe.  Ayon kay PNP Chief Director Oscar Albayalde, base sa mga saksi, kumuha ng private armed group si incumbent Daraga Mayor Carlwyn Baldo upang planuhin at isagawa ang asasinasyon kay Batocabe.

Nauna nang sinabi ng pamilya at ng kapulisan na maaaring politically motivated ang pagpatay sa partylist Congressman.

Pinagbabaril si Batocabe matapos na umatend ng isang gift giving ceremony para sa mga senior citizens sa Daraga, Albay. Kandidato din si Cong. Rodel Batocabe bilang alkalde ng Daraga ngayong 2019 elections, katunggali ni Mayor Baldo. Mayroong alok na pabuya mula kay Pang. Duterte at mga mambabatas na aabot sa 50 million pesos para sa impormasyon na makakapagturo sa mastermind ng pagpatay kay AKO Bicol Cong. Rodel Batocabe