Programa ng CADAC, tuloy-tuloy – Lucena PNP deputy chief

Matapos na tumanggap ng award mula sa DILG ang opisina ng City Anti-Drug Abuse Council o CADAC isa sa itinuturong dahilan sa pagkakaroon nito ay ang mas malaking budget allocation ng Lokal na pamahalaan ng Lucena.

Ayon kay Police Chief Inspector Marcelito Platino, ang Deputy Chief of Police ng Lucena City Police Station, tuloy tuloy ang programa ng CADAC para sa mga PWUD’s o Person Who Use Drugs na kung saan ninanais ng pamahalaang panlungsod na ang mga ito ay mailayo sa maling aktibidad.

Ani Platino, sa katunayan ang CADAC daw ay nakaschedule bukas para sa mga PWUD’s sa Pamahalaang Barangay ng Barangay Dalahican at ikinatutuwa raw niya ang kooperasyon at pagsuporta ng mga barangay sa lungsod sa SIPAG Program ng kapulisan.

Bukod dito, sinabi pa ni Platino na isa rin sa mga nais na ipatupad ng hepe ng Lucena PNP na si Police Superintendent Reydante Ariza ay ang oplan galugad kung saan bawat barangay sa lungsod ay bababa ang kapulisan kasama ang opisyales ng lugar upang maiwasan ang anumang krimen tulad ng pagnanakaw sa dis oras ng gabi.