Programa para sa mga naghahanap-buhay, maraming mai-a-alok ang DTI –Pablito Budoy

Sa eksklusibong panayam ng 99.7FM at ng Bandilyo TV kay Mr. Pablito Budoy, Division Chief ng Department of Trade and Industry ay sinabi nitong maraming programa ang ahensya na maaaring makatulong sa mga kababayan nito sa buong Lalawigan ng Quezon. Ayon kay Budoy, naytutungo silang mga kawani ng DTI sa malalayong bayan ng lalawigan upang alamin sa mga alkalde nito at iba pang opisyal kung may maitutulong ang DTI para mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan. Isa anya sa mga programa ng ahensya ay ang pagtulong sa mga grupo ng mga kababaihan na mayroong produktong ibinebenta at nais ng mga itong makilala pa ng lubusan upang mas mapaunlad ang produkyon at kita ng mga miyembro.

Binanggit pa ni Ginoong Pablito Budoy na kung may mga grupo o indibidwal na gusto hingin ang tulong o ayuda ng Department of Trade and Industry para sa pagpapaganda pa ng kanilang mga produkto ay maaaring magtungo lamang sa pinakamalapit na opisina ng DTI o alinmang mga Negosyo Centers na malapit sa kanila. Ilan sa negosyo centers sa lalawigan ng Quezon ay nasa Lungsod ng Lucena, Bayan ng Pagbilao, Tiaong at Lopez.