Quezon Governor David Suarez namahagi ng regalo sa mga pasyente ng Quezon Medical Center

Personal na bumisita kamakailan si Quezon Governor David Suarez sa mga pasyente ng Quezon Medical Center kamakailan. Kasama ang mga Department Heads ng panlalawigang pamahalaan, namahagi ang mga ito ng regalo sa daan-daang pasyente sa QMC. Tinanggap naman ng may ngiti sa kanilang mga labi ng mga pasyente at bantay ng mga ito ang inihatid na regalo ng gobernador at ng mga department heads sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon. Kinumusta rin ng gobernador ang kalagayan ng mga pasyente upang malaman ang mga maaari pang gawin ng pamahalaan upang makapag-hatid pa ng mas mabuting serbisyo sa mamamayan.

Sa pag-iikot din ng gobernador matapos ang pamamahagi ng mga regalo sa mga pasyente ay tinignan nito ang iba pang pasilidad ng ospital. Ilan sa mga nakita nito ay ang paglalagay ng karagdagang bentilasyon sa gusali upang magkaroon ng mas kumportableng pagpapagaling ang mga pasyenteng naroroon.