Real, malapit nang maging drug cleared municipality

Napipinto nang maging drug cleared municipality ang bayan ng Real kung saan inaantay na lamang ang Real PNP ang sertipikasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pagbabahagi ni Police Inspector Erwin Papagayo.

“Ang problema may hindi pa nababago, ibinalik ng PDEA ‘yong folder kaya bagong apply ulit ng drug clearing,” pahayag ni P/Insp. Papagayo.

Masusi umanong sinuri ng mga miyembro ng Drug Council sa bawat barangay ng nasabing bayan kung karapatdapat na bang tawaging drug cleared ang bawat barangay gayundin ang kanilang bayan.

Sinabi pa ni Papagayo na hindi titigil ang kapulisan sa kanilang bayan sa pagmaintain sa mga gawain nilang nagiging paraan para makaiwas na bumalik sa pagdodroga ang mga drug surrenderees.