Real PNP, vehicular accident lang ang mga kasong kinahaharap sa kanilang kanilang bayan

Nakaparada man o tumatakbo, isang maling tapak lang sa pedal o maling pihit ng sasakyan ay maaari nang maging sanhi ng pag-arangkada ng disgrasya.

Ayon kay Police Officer 3 Ferlyn Ronquillo ng Real Municipal Police Station, vehicular accident lamang ang kinakaharap na kaso ng Real PNP.

Ayon sa tala ng Real PNP, pangunahing dahilan ng aksidente ay human error at kawalan ng disiplina tulad ng bad overtaking, bad turning, overspeeding, self-accident, drunk driving using cellphone while driving, hit and run, at overloading.

Nanawagan naman si PO3 Ronquillo sa mga motorist na maging maingat sa pagbiyahe at magpanatili ng distansya sa ibang sasakyan, lalo iyong mga malalaki.

Ipinayo niya rin na sundin at alamin ang iba’t ibang uri ng road line. Maging mapagmatyag din sa mga road signs.

May kahulugan ang iba’t ibang uri ng road line gaya ng broken line na nangangahulugang pwedeng mag-overtake kung ligtas o walang kasalubong.

Ipinagbabawal naman ang pag-overtake sa magkabilang panig kapag double solid ang linya.

Dagdag pa ni Ronquillo, iwasang magpatakbo ng mabilis.