Sangguniang Panglungsod ng Lucena City, kampeon sa 4th Mayor Dondon Alcala Inter-department Basketball Tournament

Nasungkit ng opisina ng Sangguniang Panglunsod ng Lucena City ang kampeonato sa katatapos lamang na 4th Mayor Dondon Alcala Inter-department Basketball Tournament para sa local division na kinalalahukan ng iba’t ibang opisina na sangay ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Itinanghal ring kampeon ang Quezon Police Provincial Office para sa naman national division.

Ang nasabing basketball tournament ay bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Kawani noong buwan ng Setyembre bilang pagbibigay halaga sa ambag ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.